SOLANO, Nueva Vizcaya, Philippines — Pormal nang binuksan ang pinakabago at pinakamalaking himpilan ng pulisya sa Cagayan Valley matapos ang inagurasyon noong Lunes (Pebrero 8).
Ang pagpapasinaya sa bagong himpilan ng pulisya ay personal na pinangunahan nina PNP Director Romeo Hilomen, hepe ng PNP directorate for comptrollership at Solano Mayor Philip Dacayo.
Pinasalamatan ng alkalde ang pamunuan ng PNP sa pagkakaloob sa kanila ng bagong PNP station na siyang itinuturing pinakamalaking himpilan ng pulisya sa Region 2.
“This new building is a manifestation of stronger community-police camaraderie. With this, I am assured that our brother PNP inspire them further to serve and protect our communities. Indeed, this edifice symbolizes our partnership towards more peaceful and prosperous Solano,” pahayag ni Dacayo.
“This town is very lucky to be the recipient of our new type of PNP building,” pahayag ni Hilomen na minsan ay naging provincial director ng lalawigang ito.
Ayon naman kay P/Supt Joselito Buenaobra, hepe ng Solano PNP, malaking hamon para sa kanya at sa kanyang mga tauhan ang pagkakaroon ng pinaka-elegante at pinakamalaking himpilan na aniya ay nararapat lamang na mas lalo nilang gampanan ang kanilang trabaho at pagsisilbi sa taumbayan.
Bukod sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ay dumalo rin sa okasyon sina P/Chief Supt Roberto Damian, Cagayan Valley police director; P/Chief Supt James Melad, Cagayan Valley deputy regional police director at si P/Senior Supt Pedro Dangui lan, provincial police director. Victor Martin