^

Probinsiya

P15M PNP station itinayo sa N. Vizcaya

-

SOLANO, Nueva Viz­caya, Philippines — Pormal nang bi­nuk­san ang pinakabago at pinakamalaking himpilan ng pulisya sa Ca­gayan Valley matapos ang inagu­rasyon noong Lunes (Peb­rero 8).

Ang pagpapasinaya sa bagong himpilan ng pulisya ay personal na pinangu­nahan nina PNP Director Ro­meo Hilomen, hepe ng PNP directorate for comptrollership at Solano Mayor Philip Dacayo.

Pinasalamatan ng alkal­de ang pamunuan ng PNP sa pagkakaloob sa kanila ng bagong PNP station na siyang itinuturing pinaka­ma­laking himpilan ng pulisya sa Region 2.

“This new building is a manifestation of stronger community-police camaraderie. With this, I am assured that our brother PNP inspire them further to serve and protect our communities. Indeed, this edifice symbolizes our partnership towards more peaceful and prosperous Solano,” pahayag ni Da­cayo.

 “This town is very lucky to be the recipient of our new type of PNP building,” pahayag ni Hilomen na minsan ay naging provincial director ng lalawigang ito.

Ayon naman kay P/Supt Joselito Buenaobra, hepe ng Solano PNP, malaking hamon para sa kanya at sa kanyang mga tauhan ang pagkakaroon ng pinaka-elegante at pinaka­ma­laking himpilan na aniya ay nararapat lamang na mas lalo nilang gampanan ang kanilang trabaho at pag­sisilbi sa taumbayan.

Bukod sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ay dumalo rin sa okasyon sina P/Chief Supt Roberto Da­mian, Cagayan Valley police director; P/Chief Supt James Melad, Caga­yan Valley deputy regional police director at si P/Senior Supt Pedro Dangui­ lan, provincial police director. Victor Martin

vuukle comment

CAGAYAN VALLEY

CHIEF SUPT JAMES MELAD

CHIEF SUPT ROBERTO DA

DIRECTOR RO

HILOMEN

NUEVA VIZ

PNP

SENIOR SUPT PEDRO DANGUI

SHY

SOLANO MAYOR PHILIP DACAYO

SUPT JOSELITO BUENAOBRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with