Mga pulitiko pumirma sa peace covenant

LIPA CITY, Batangas, Philippines— Pu­mirma sa harap mis­mo ni Lipa City Archbishop Ramon Arguelles ang mga tatakbo sa nalalapit na eleks­yon para sa malinis at mapa­yapang hala­lan sa Mayo 10, 2010.

Sa kanyang homiliya sa San Sebastian Cathedral, iki­na­galak ni Archbishop Arguel­les ang pagdating ng mga pulitiko sa kabila ng kanilang magkakaibang prin­sipyo pulitikal at kinaa­nibang partido bukod pa sa kanilang busy schedules.

Kabilang sa dumalo ay sina Batangas Governor Vil­ma Santos-Recto at ang kan­yang vice governor na si Mark Leviste ng Liberal Party at sina dating Gober­nador Ar­mand Sanchez at ang kan­yang tandem na ang vice gubernatorial bet na si Edwin Ermita ng Nationalista Party at mga miyembro ng Lakas-Kampi.

Lumagda rin sa peace cove­nant sina dating Se­nador at NEDA Secretary Ralph Recto na tatakbong muli sa senatorial race at si Executive Secretary Eduar­do Ermita para naman sa 1st congressional district ng Batangas at iba pang lokal na kandidato. Arnell Ozaeta

Show comments