Mga pulitiko pumirma sa peace covenant
LIPA CITY, Batangas, Philippines— Pumirma sa harap mismo ni Lipa City Archbishop Ramon Arguelles ang mga tatakbo sa nalalapit na eleksyon para sa malinis at mapayapang halalan sa Mayo 10, 2010.
Sa kanyang homiliya sa San Sebastian Cathedral, ikinagalak ni Archbishop Arguelles ang pagdating ng mga pulitiko sa kabila ng kanilang magkakaibang prinsipyo pulitikal at kinaanibang partido bukod pa sa kanilang busy schedules.
Kabilang sa dumalo ay sina Batangas Governor Vilma Santos-Recto at ang kanyang vice governor na si Mark Leviste ng Liberal Party at sina dating Gobernador Armand Sanchez at ang kanyang tandem na ang vice gubernatorial bet na si Edwin Ermita ng Nationalista Party at mga miyembro ng Lakas-Kampi.
Lumagda rin sa peace covenant sina dating Senador at NEDA Secretary Ralph Recto na tatakbong muli sa senatorial race at si Executive Secretary Eduardo Ermita para naman sa 1st congressional district ng Batangas at iba pang lokal na kandidato. Arnell Ozaeta
- Latest
- Trending