CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines — Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang mag-iina makaraang pagsasaksakin ng kanilang kapitbahay na lalaki kamakalawa sa Sitio Tamba, Barangay Poblacion sa bayan ng Aroroy, Masbate. Ginagamot sa Aroroy District Hospital sina Maria Corlet, 50; Rona Mae Corlet, 6; at Nathan Corlet, 4 habang naaresto at nakapiit ang suspek na si Tranquilino Banculo Jr., 55, biyudo. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na tinangkang halayin ng suspek ang anim na taong gulang na anak ni Maria sa loob ng kanilang tahanan subalit napigilan. Dito na nag-amok ang suspek at pinagsasaksak ang mag-iina. Ed Casulla