Karambola ng 3 van: 20 students sugatan

KIDAPAWAN CITY , Philippines  — Aabot sa 20 mag-aaral ng University of Southern Min­danao ang iniulat na nasu­gatan makaraang magka­ram­bola ang tatlong pam­pa­saherong van sa kaha­baan ng highway sa Ba­rangay Paco, Kidapawan City, North Cota­bato ka­hapon ng umaga.

Naisugod naman sa Kida­pa­wan Medical Specialist Cen­ter, at Kidapa­wan City Hos­­pital ang mga sugatang biktima na pa­wang mga 2nd year Agricultural students ng USM na sinasabing patungo sana ng Garden City of Samal sa Davao City para sa field trip.

Ayon kay SPO2 Ray­mundo Lam-an, hepe ng Traffic Division ng Kidapa­wan City PNP, binabaybay ng tatlong pampasaherong van na si­nak­yan ng mga estudyante ang highway nang biglang huminto ang unang van sa gitna ng highway para isakay ang ilan pang estudyante na naghi­hintay.

Dahil sa ‘di-inaasahan ay sumalpok sa likuran ng van ang ikalawang van hanggang sa bumangga naman ang ikatlong van na may mga plakang LGA 764, LWV 244 at LGN 160.

Napag-alamang nagtu­loy pa rin sa field trip, ang ilang estudyante na naka­ligtas naman sa sakuna habang ang tatlong van at mga drayber nito ay nasa custody ng pulisya. Malu Manar

Show comments