Kinidnap na driver pinalaya

MANILA, Philippines - Isa pang dump truck driver ang pinalaya ng mga ban­didong Abu Sayyaf no­ong Bi­yernes ng gabi sa bisinidad ng Barangay Ka­pok Punggol sa bayan ng Maimbung, Sulu. Kini­lala ng Army’s regional spokesman na si Lt. Stef­fani Ca­cho, ang pinala­yang bihag na si Raja Halud.

Si Halud at isa pang dri­ver na si Halal Alih ay ki­nidnap ng mga bandido sa highway ng Brgy. Lung­gang. Gayon pa man, na­unang pinalaya si Alih ma­tapos ang isang araw na pagkakabihag. Si Halud ay maayos na na­kabalik sa kaniyang pa­milya matapos isailalim sa medikasyon at debriefing. Joy Cantos

Show comments