Sanggol binasag ang bungo­­­

BULACAN  , Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang sanggol na lalaki na sinasabing binasag muna ang bao ng ulo at binali pa ang dalawang kamay nito saka itinapon sa basura­han ng kilalang fastfood chain sa Barangay San Pedro sa bayan ng Bus­ tos, Bulacan kahapon ng hapon.

Nakakabit pa ang um­bilical cord sa pusod ng sanggol nang matagpuan ng basurero na inihalo sa mga itim na plastic bag ng basura mula sa fastfood chain bandang alas-3:30 ng hapon.

Kaagad naman ipinag­bigay-alam kay Chairman Ricardo De Leon ang na­tagpuan kung saan isi­nugod naman sa ospital sa pag-asang maisasalba pa ang sanggol.

Subalit sa pagsusuri ng mga doctor, lumilitaw na basag ang bao ng ulo at pasa-pasa ang buong katawan na pinanini­wa­laang hinilot mula sa tiyan ng ‘di-pa kilalang ina para lumabas.

Agad na pinabasbasan sa pari ang sanggol saka inilibing sa San Pedro Public Cemetery.

Show comments