Binata, 'di nakinabang sa mana, nagbigti

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Isang 35-anyos na utility employee ng pamahalaang-lokal ng Bato, Camarines Sur na si Alberto Ramos ang nagpatiwakal sa pa­mamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng kanilang ba­hay sa Barangay San Rafael ng naturang bayan ka­makalawa ng madaling-araw. Hinihinalang, batay sa isang liham na iniwan ni Ramos, ipinasya niyang tapusin ang kanyang buhay sa tindi ng sama ng loob sa kabiguan niyang mapakinabangan ang lupang minana niya mula sa kanyang ama. Ed Casulla

Show comments