Lolo naglason sa plaza

MANILA, Philippines - Isang 64-anyos na lolo na si Dante Villanueva ng General Santos City ang hinina­lang nagpatiwakal sa pama­magitan ng pagtungga ng lason sa Mangatarem, Pan­ga­sinan kamakalawa ng mada­ling-araw. Natagpuan ang bangkay ni Villanueva na nakahandusay sa tapat ng isang monumento ni Dr. Jose P. Rizal sa plaza ng Man­gatarem. 

Sa tabi ng biktima ay nakita pa ang isang asul na liki­do na nakalagay sa isang plastik na bote. Joy Cantos

Show comments