Lolo naglason sa plaza
February 13, 2010 | 12:00am
MANILA, Philippines - Isang 64-anyos na lolo na si Dante Villanueva ng General Santos City ang hininalang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagtungga ng lason sa Mangatarem, Pangasinan kamakalawa ng madaling-araw. Natagpuan ang bangkay ni Villanueva na nakahandusay sa tapat ng isang monumento ni Dr. Jose P. Rizal sa plaza ng Mangatarem.
Sa tabi ng biktima ay nakita pa ang isang asul na likido na nakalagay sa isang plastik na bote. Joy Cantos
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest