Opisyal ng LTO niratrat, todas
MANILA, Philippines - Isang mataas na opisyal ng Land Transportation Office ang namatay nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga armadong lalaki sa Gapan City, Nueva Ecija kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Gapan City Police Chief Superintendent Ricardo Villanueva ang biktima na si Marylou Garcia, 51-anyos, hepe ng LTO Office sa lungsod at naninirahan sa Landville Subdivision sa Barangay Pambuan dito.
Lumilitaw sa pangunang pagsisiyasat na pauwi na si Garcia lulan ng tricycle nang harangin siya ng mga suspek sa Barangay Pambuan.
Agad na pinagbabaril ng mga suspek ang biktima na nagtamo ng grabeng tama ng bala sa ulo at katawan.
Nagawa pang maisugod ang biktima sa Good Samaritan Hospital pero idineklara na itong dead-on-arrival.
Ang mga suspek ay mabilis na nagsitakas matapos ang insidente patungo sa hindi pa malamang destinasyon.
- Latest
- Trending