^

Probinsiya

Utak sa Montalban murder, ibunyag

-

RIZAL, Philippines – Nanawagan ka­hapon sa pamunuan ng PNP ang biyuda ng pina­s­lang na dating pulis na ibun­yag na ang tunay na utak ng krimen na naganap sa palengke ng Mon­talban, Rizal noong Disyembre 13, 2009.

Si P/Insp. Ricardo Ama­ta na kuma­kain sa karin­derya sa Montalban Public Market ay pinagbabaril hang­gang sa ma­patay ni Bong Meldo kung saan napas­lang naman ng rume­s­pondeng si SPO1 Danilo Zuniga.

Gayon pa man, napa­tay din si SPO1 Zuniga ng mga kasa­mahan ni Meldo.

Ayon kay Ligaya Amata, hindi siya naniniwala na ang mga suspek ay kumilos sa sariling kapakanan bagkus may maimpluwesyang pulitiko ang nasa likod ng pagpaslang sa kanyang mister.

 “Naniniwala akong pi­natay ang aking mister para takutin ang mga kalaban sa pulitika, kung sinuman ang mast­ermind,” dagdag ni Ligaya.

Lumilitaw sa imbes­ti­gas­yon ng pu­lis­ya, sina­sabing body­guard ni sus­pen­didong Mayor Pedro Cuerpo si Meldo habang ang pinaslang na si P/Insp. Amata ay close-in security aide naman ni acting Mayor Jonas Cruz.

Ayon kay Ligaya, ang kanyang mister ay na­nguna para pigilin ang grupo ni Cuerpo sa pag­­pasok sa muni­sipyo ng Montalban habang sus­pendido pa ng Ombudsman at Sandigan­bayan dahil sa mga reklamo laban sa kanya. Danilo Garcia

AYON

BONG MELDO

DANILO GARCIA

DANILO ZUNIGA

LIGAYA

LIGAYA AMATA

MAYOR JONAS CRUZ

MAYOR PEDRO CUERPO

MELDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with