^

Probinsiya

BoC bigong ipasara ang Shell-Batangas

-

BATANGAS CITY, Philippines – Nabigong ipasara ng Bureau of Customs (BoC) ang Pilipinas Shell refinery sa Batangas City makaraang makakuha ng 3-raw na temporary re­st­rai­ning order (TRO) mula sa regional trial court sa Batangas City kahapon.

Ayon kay Arnel Santos, general manager ng Shell’s refinery sa Batangas, premature ang gagawing pa­ngungumpiska ng BoC sa kanilang raw materials dahil patuloy pa anya ang gina­gawang hearing sa Court of Tax Appeals (CTA).

Bukod doon, nakakuha pa ng 72-hours temporary restraining order ang Shell mula kay Judge Ruben Galvez ng Batangas Regional Trial Court para ipa­tigil ang pag­papatupad ng seizure order ng BoC.

Nag-ugat ang kagul­u­han matapos igiit ng BOC ang pa­ngon­golekta ng bu­wis sa Shell ng P7.34-bilyon para sa pag-iimporta ng oil company sa kanilang catalytic cracked gasoline (CCG) mula noong 2004 hanggang 2009.

Tumangging magbayad ng excise tax ang Shell dahil iginigiit nito na ang catalytic cracked gasoline ay raw materials lang na inihahalo sa paggawa ng kanilang gasoline kung saan pina­ninindigan ng Shell na ang raw ma­terials ay exempted sa excise tax.  Ayon naman sa BOC, ina­aku­sahan na­man nito na nagkaroon ng misdec­la­ration sa importation ng pro­dukto ng Shell dahil hindi daw pwedeng i-classify na raw materials ang CCG na ginagamit nila dahil ito daw ay maituturing na finished product na at kailangang bayaran ang excise tax.

Nauna nang nagpalabas ng 60-days temporary restraining order (TRO) ang Court of Tax Appeal para pigilan ang BoC na kum­piskahin ang importation ng Shell na P43 bilyon.

Napaso ang TRO ng CTA noong Martes at natalo rin ang motion for injunction ng Shell kaya sumugod kahapon ang mga tauhan ng BoC sa Shell Batangas re­finery para kumpiskahin ang mga pro­dukto pero nabigo sila nang ma­pigilan ng TRO mula na­man sa RTC- Batangas.

Ayon naman kay Ba­tangas Customs Collector Juan Tan, hindi hurisdik­syon ng RTC ang usapin dahil ang Court of Tax Appeal lamang, ang may ka­pangyarihang mag­resolba ng naturang usapin.

 “This is a clear forum shopping, those who filed (for a temporary restraining order) from Shell should be held for contempt,” ani Tan.

ARNEL SANTOS

AYON

BATANGAS

BATANGAS CITY

BATANGAS REGIONAL TRIAL COURT

BOC

BUREAU OF CUSTOMS

COURT OF TAX APPEAL

SHELL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with