Anak ng bokal, 4 pa tiklo sa buy-bust

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Malamig na rehas ang binagsakan ng lima-katao kabilang ang anak ng bokal sa Laguna matapos maaktuhang nagbebenta ng bawal na droga sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Sta. Rosa City, Laguna kama­kalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina James Abad, Elma Almarez, Jennies Almarez, Apolinar Quibin at si Donato Carillo na sinasabing anak ni Laguna 1st District Board member Ramon Carillo. Ayon kay P/Chief Inspector Chris Abrajano, PDEA Region 4-A director, naaresto ang mga suspek sa isina­gawang buy-bust operation sa JV Village sa Barangay Tagapo kung saan nasamsam ang 24 gramo ng shabu. Ang grupo ay responsible sa pagpapakalat ng bawal na droga sa mga lungsod ng Biñan, Sta. Rosa, Calamba at bayan ng San Pedro sa Laguna. Arnell Ozaeta

Show comments