^

Probinsiya

Globe cell site binomba

-

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines – Pinaniniwalaang hindi pagbabayad ng revolutionary tax, ang isa sa motibo kaya sinunog ng mga rebel­deng New People’s Army ang cell site tower ng Globe sa bayan ng Paluan, Occidental Mindoro kama­kalawa ng umaga.

Ayon kay Lt. Colonel Generoso Bolina, assistant chief of Unified Command ng Southern Tagalog, dini­sar­ma­han ng mga rebelde ang nag-iisang security guard na si  Gilbert Marino at inutusan itong tanggalin ang baterya ng kanyang cell phone bago ito pawalan ng mga rebelde mula sa kanyang guardhouse sa Sitio Igsuso, Barangay Tubili.

Nawasak sa pagsabog ang power and rectifier systems, radio transmission system, dalawang aircon at ang base transceiver system.

Samantala, sinunog din ng mga rebelde ang heavy equipment sa pag­ sese­mento ng kalsada sa bayan ng Balud, Masbate noong Linggo ng umaga.

Winasak din ang isang backhoe na pag-aari ni Jeje Carandang na nakakuha ng kontrata para ayusin ang kal­sada sa Ba­ran­gay Paqui­ranan, sa bayan ng Balud. Arnell Ozaeta

ARNELL OZAETA

BALUD

BARANGAY TUBILI

COLONEL GENEROSO BOLINA

GILBERT MARINO

JEJE CARANDANG

LUCENA CITY

NEW PEOPLE

OCCIDENTAL MINDORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with