MANILA, Philippines - Kasalukuyang sumasailalim sa tactical interrogation ang apat na rebeldeng New People’s Army matapos na maaresto ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar sa bahagi ng Sitio Dibigin, Brgy. Minanga, sa bayan ng San Mariano, Isabela kama kalawa. Pormal na kinasuhan habang nakakulong sina Michael “Ka Poktong” Erana, Mario Ka Aki” Agustin, Raffy Valencia alyas Ka Butch /Donald at si Junior “Ka Manny” Soria. Bandang alas-5 ng umaga nang makorner ng mga awtoridad ang mga rebelde kung saan nasamsaman ng baril, 3-claymore mines, 5 granada, apat na pakete ng pinatuyong marijuana, mga eksplosibo, at ilang subersibong dokumento. Joy Cantos