2 todas sa killer truck

BULACAN, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa magkaibigang lalaki na sinasabing lulan ng motorsiklo makaraang salpukin ng dump truck sa MacArthur Highway, Barangay San Pablo sa Malolos City, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Isa sa dalawang nasawi ay nakilalang si Rolly Tumarong, 21, ng Felix Compound, Brgy.Tugatog, Meycauayan City, Bulacan. Sa follow-up operation ng pulisya ay naaresto naman ang drayber ng truck na si Sherwin Maglaque, 25, ng Model Community, Barangay Pio, sa bayan ng Porac, Pampanga. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na inakupahan ng truck ang linya ng motorsiklo matapos na mag-overtake sa sinusundang sasakyan kaya naganap ang trahedya. Boy Cruz

Show comments