^

Probinsiya

Mayoralty bet pinasisibak sa Comelec

-

MANILA, Philippines - Isang mayoralty bet sa bayan ng San Pascual, Masbate ang pina­­didisku­wa­li­pika matapos na ma­kum­pis­kahan ng baril ka­sama ang kanyang alalay noong Enero 10 kaugnay sa pina­iiral na Comelec gun ban.

Sa liham na ipinadala ng pulisya kay Zacarias Zaragoza Jr. regional director ng Commission on Elections,  pinasisibak ang kasalukuyang jail warden ng provincial jail na si Ricardo Bulanon na kandidato sa mayoralty race dahil sa paglabag nito  RA 8294 ( Illegal Possession) kaugnay ng  pinaiiral na Comelec gun ban. Si Bulanon  at  bodyguard nitong si Jose Nestor La­zaro ay ina­resto ng pulisya sa unang araw ng imple­mentasyon ng gun ban sa Comelec checkpoint  sa Brgy Tugbo, Mas­bate City.

Nasamsam  kina Bu­lanon at Lazaro ang cal. 45 at 9mm na  expired ang mis­sion order  at  walang mai­pa­ki­tang  ka­ukulang exemption permit mula sa Comelec.

Pansamantalang naka­kalaya si Bulanon ma­ tapos ma­ka­­pag­pi­yan­sa  sa korte.

Sa rekord ng pulisya, si Bulanon ay isinailalim sa imbestigasyon  noong Hun­yo 2009 da­hil sa ka­biguan nitong  i-report  ang  pag­puga  ng 2 preso kung saan isa rito ay naki­lalang  Albert Choy  na   napatay sa shoot­­out sa Paraña­que Ciy noong Enero 11, 2009.

Sa tala, si Choy ang pa­ngunahing suspek sa pag­patay kay  Mas­bate Mayor Moises Espinosa noong Aug. 10, 2001. Joy Cantos

ALBERT CHOY

BRGY TUGBO

BULANON

COMELEC

ENERO

ILLEGAL POSSESSION

JOSE NESTOR LA

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with