^

Probinsiya

Klinik nasunog: 3 coed dedo

- Ni Christian Ryan Sta. Ana -

NUEVA ECIJA, Philippines – Ka­lungkutan at paghihinagpis ang bumalot sa pamilya ng tatlong medical students ang na­sawi makaraang makulong sa nasunog na Cabiao Community Clinic kahapon ng madaling-araw sa Ba­rangay Sta. Ines sa bayan Cabiao, Nueva Ecija.

Namatay sa suffocation sina Cecille Quintos, Jerry­lyn Murillo at Jessa Perez na pawang estudyante ng St. Luke’s College of Medicine at Nursing intern sa nabanggit na klinik.

Nakaligtas naman sa kamatayan ang isa pang estudyante na si Miguel Ramos, na nagtamo ng sugat sa li­kurang bahagi ng katawan na kasa­luku­yang ginagamot sa hindi nabatid na ospital sa May­nila.

Sa inisyal na ulat ni FO3 Boy Esquivel, lumilitaw na nagsimula ang apoy sa ceiling fan sa ikalawang palapag ng nabanggit na klinik kung saan mag­kakasamang natutulog ang mga biktima.

Sinasabing hindi naka­labas ang mga bik­tima dahil sa makapal ang usok kaya mag­kaka­sunod na nagtungo sa palikuran sa dulong bahagi ng gusali kung saan natagpuan ang tatlo na nasawi sa suffocation at bahagyang na­sunog ang mga katawan.

Naapula naman ang sunog bandang alas-5:30 ng umaga matapos ma­sunog dakong alas-2:45 ng madaling-araw.

vuukle comment

BOY ESQUIVEL

CABIAO

CABIAO COMMUNITY CLINIC

CECILLE QUINTOS

COLLEGE OF MEDICINE

JESSA PEREZ

MIGUEL RAMOS

NUEVA ECIJA

SHY

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with