Mga proyekto sa Zambales isusulong

CASTILLEJOS, Zamba­les — Upang mapabilis ang pag-unlad ng ekonomiya ng Zambales, kailangang mag­karoon ng kalsadang mag­durugtong sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx).

Ito ang panukala nina Zambales 1st District Rep. Mitos Magsaysay at ex-DPWH Secretary Hermo­ge­nes Ebdane Jr. na kandidato sa guvernatorial race sa nabanggit na lalawigan.

“Malaki ang pagbabago at pag-asenso na ibubunga ng nabanggit na proyekto kung saan mas maraming trabaho, livelihood opportunity, at income para sa pamahalaan kung maisasakatuparan ang koneksyon ng Zambales road patungong SCTEx,” pahayag ni Ebdane. Nabatid din kay Ebdane na nakasalalay ang pag-unlad ng mga rural areas tulad ng Zambales sa mga kalsada at iba pang pam­pub­likong imprastruktura.

“Mas kailangan ng mga na­sa liblib na pook ang ma­gan­dang daan upang maka­ra­ting ang mga tao sa tra­ba­ho, at upang mailuwas din ang ka­ni­lang mga pro­dukto. Ka­i­la­­ngan din ng mga anak nila ang ma­gan­dang da­an upang ma­karating sa iskwe­la­han at magka­roon ng mas ma­ gan­­­dang ki­nabu­kasan,” dagdag pa ni Ebdane. Alex Ga­lang

Show comments