Mga proyekto sa Zambales isusulong
CASTILLEJOS, Zambales — Upang mapabilis ang pag-unlad ng ekonomiya ng Zambales, kailangang magkaroon ng kalsadang magdurugtong sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx).
Ito ang panukala nina Zambales 1st District Rep. Mitos Magsaysay at ex-DPWH Secretary Hermogenes Ebdane Jr. na kandidato sa guvernatorial race sa nabanggit na lalawigan.
“Malaki ang pagbabago at pag-asenso na ibubunga ng nabanggit na proyekto kung saan mas maraming trabaho, livelihood opportunity, at income para sa pamahalaan kung maisasakatuparan ang koneksyon ng Zambales road patungong SCTEx,” pahayag ni Ebdane. Nabatid din kay Ebdane na nakasalalay ang pag-unlad ng mga rural areas tulad ng Zambales sa mga kalsada at iba pang pampublikong imprastruktura.
“Mas kailangan ng mga nasa liblib na pook ang magandang daan upang makarating ang mga tao sa trabaho, at upang mailuwas din ang kanilang mga produkto. Kailangan din ng mga anak nila ang magandang daan upang makarating sa iskwelahan at magkaroon ng mas ma gandang kinabukasan,” dagdag pa ni Ebdane. Alex Galang
- Latest
- Trending