^

Probinsiya

Lover inutas, bading nag-suicide

-

MABALACAT, PampangaNagbaril sa sintido at na­matay ang isang 37-anyos na bading matapos nitong ma­baril at mapatay ang kanyang lover sa loob ng nakapara­dang sasak­yan noong Biyer­nes sa ba­hagi ng Barangay Mabiga sa bayan ng Mabala­cat, Pampanga.

Kinilala ni SPO1 Randy Santos ang nag-suicide na si Gideon Panganiban ng Brgy. Mawaque at ang sinasabing lover nitong si Arvin Ompong, 25, ng Galas, Quezon City.

Ang mga labi ng dalawa na kapwa may tama ng bala ng baril sa katawan ay natagpuan sa loob ng sasakyan ni Panga­niban na nakaparada sa kaha­baan ng Planters Street sa St. Rafael Subdivision.

Kinumpirma naman sa pulisya ng misis ni Ompong na may relasyon ang da­lawa matapos nitong ma­basa ang mga text messages ni Pa­nga­niban na ipinadala sa una.

Lumilitaw sa imbes­tigas­yon na nagkasigawan muna ang dalawa sa loob ng sa­sakyan bago aksiden­teng nabaril at napatay ni Panga­niban si Ompong.

Sinasabing bago mag-suicide si Panganiban ay naipa­abot nito sa kanyang kamag-anak ang insidente kung saan hindi kayang sumuko sa kinauukulan.

Lumilitaw sa imbestigas­yon ni Santos na ang dalawa ay magkasosyo sa negosyo tulad ng Internet café sa na­banggit na bayan. Phil. Star News Service

vuukle comment

ARVIN OMPONG

BARANGAY MABIGA

GIDEON PANGANIBAN

LUMILITAW

OMPONG

PAMPANGA

PLANTERS STREET

QUEZON CITY

RANDY SANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with