^

Probinsiya

8 holdaper dedo sa shootout

-

QUEZON , Philippines  — Semen­teryo ang binagsakan ng walong kalalakihan na pinaniniwalaang miyem­bro ng kidnap-for-ransom gang matapos makipag­barilan sa tropa ng 415th Police Provincial Mobile Group na nakatalaga sa Comelec checkpoint sa bisinidad ng Sitio Taguan, Barangay Bukal Sur sa bayan ng Candelaria, Quezon, ka­hapon ng umaga.

Apat sa walong napatay sa shootout ay nakilalang sina Roger Baylon ng Cainta, Rizal; Jojo Salazar ng Magsaysay, Quezon City; Samuel Leonico  ng Rosario, Albay; at si Gilbert “Ilomen” Mauricio ng Las Piñas City.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Francis Elmo Sarona, Quezon police director, lumilitaw na binabagtas ng mga suspek ang kahabaan ng Maharlika Highway sakay ng Toyota Hi-Ace van mula Maynila patu­ngong Lucena nang pa­rahin ng mga pulis sa Comelec checkpoint ng Barangay Bukal Sur bandang alas-5:15 ng umaga.

Imbes na tumigil, big­lang inararo ang barikada ng check­point hanggang sa magkahabulan at pa­ litan ng putok ng magka­bilang grupo. 

Nakorner naman ang mga suspek pagsapit sa pangalawang checkpoint kung saan sila napatay matapos ang maikling engkuwentro laban sa pulisya.

Narekober sa van ang US Carbine rifle, 9mm pistol, 3 caliber 45 pistol, caliber 38 revolver, M-203 grenade launcher at mga tseke na nagkakahalaga ng P.8 milyon.

Napag-alamang peke rin ang plaka ng van na ZDN-912 na isa ring car­nap vehicle, ayon sa Land Transportation Office.

“Based on our intelligence report, may papa­suking establishment ang grupong ito sa Lucena hanggang sa ma-intercept sa Comelec checkpoint,” dagdag pa ni Sarona.

Inaalam pa ng mga oto­ridad kung anong grupo ang kinabibilangan ng mga napatay na suspek. Dag­dag ulat ni Joy Cantos

BARANGAY BUKAL SUR

COMELEC

FRANCIS ELMO SARONA

JOJO SALAZAR

JOY CANTOS

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LAS PI

LUCENA

MAHARLIKA HIGHWAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with