Tulak tiklo sa P.3M shabu
BULACAN, Philippines — Rehas na bakal ang binagsakan ng isang 20-anyos na mister na sinasabing notoryus na tulak ng bawal na droga makaraang maaresto ng pulisya sa buy-bust operation noong Sabado ng umaga sa Barangay Tungko Mangga, San Jose Del Monte City, Bulacan.
Pormal na kinasuhan ang suspek na si James Dipatuan, tubong Marawi City at nakatira sa Phase 12, Brgy. Bagong Silang, Caloocan City.
Ayon sa police report, ang suspek na nakumpiskahan ng 20 gramo ng shabu na may street value na P.3 milyon at P120,000 marked money na ginamit sa operasyon. Boy Cruz at Dino Balabo
- Latest
- Trending