Ex-Army tiklo sa gun ban
MANILA, Philippines - Nakasuot pa ng uniporme at pekeng insignias nang masakote ang dinismis na sundalo sa isinagawang operasyon kaugnay ng pagpapatupad ng Comelec gun ban sa Iloilo City kamakalawa ng gabi sa On Bun Pension Hosue sa Iloilo City. Pormal naman kinasuhan ang suspek na si ex-Army Private Gilbert Sobejano, 26, ng #113 Jalandoni Estate, Iloilo City. “Prior to his arrest, he was accosted for usurpation of authority and unauthorized use of military uniform and insignias,” anang opisyal na sinabi pang tinangka pang bumunot ng baril ni Sobejano pero naging maagap ang mga awtoridad. Narekober sa pag-iingat ni Soberjano ang Norinco 9mm, dalawang magazine na may anim na bala, dalawang ID na may pekeng ranggong 2nd Lieutenant, Army uniform at plastic ng shabu, aluminum foil at iba pa. Joy Cantos
- Latest
- Trending