Magkalabang lider pulitiko nagkaisa sa gun free zones
MANILA, Philippines - Umaabot sa 30 lider pulitiko, political wannabees kabilang ang dalawang magkalabang gubernatorial bet ang himalang nagkaisa para sa pagpapatupad ng gun free zones sa Sulu na naglalayong matiyak ang mapayapa at malinis na halalan sa Mayo.
Ito’y upang maiwasan ang pagdanak ng dugo sa pagitan ng kampo nina Sulu Governor Abdusakur Tan at ng kalaban sa gubernatorial race na si Rep. Munir Arbison ng ikalawang distrito ng Sulu dahil magsisimula na ang campaign period sa susunod na linggo.
Napag-alamang bumisita si DND Sec. Norberto Gonzales at kapwa pinulong ang grupo nina Tan at Arbison kaugnay sa papairalin gun free zones sa kapitolyo ng Jolo, Sulu.
Dahil naman sa kaniyang matagal ng ugnayan sa mga Tausug ay kapwa nakumbinse ang dalawang magkalabang gubernatorial bet kung saan kapwa lumagda ng peace covenant para matiyak ang katahimikan ng eleksyon.
Sa ilalim ng gun free zones ay hindi maaring magpasok ng mga baril sa Jolo na sentro ng kalakalan. Joy Cantos
- Latest
- Trending