Yemeni dinukot

MANILA, Philippines - Dinukot ng hindi pa nakilalang mga armadong kala­lakihan na nakasuot ng uniporme ng pulis ang isang Ye­meni national sa Marawi City, Lanao del Sur ka­ma­kalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima sa alyas lamang nitong Najeb na konektado sa World Assembly of Muslim Youth Special Training and Education.

Ang biktima ay kinidnap ng mga armadong kalalakihan dakong alas-10:30 ng gabi ha­bang nagpaparada sana ng kanyang sasakyan sa Guest House ng D Markaz sa Marawi City. Joy Cantos

Show comments