P2.5 milyon tinangay ng bank teller

LEGAZPI CITY , Philippines  — Isang teller ng Philippine National Bank ang ka­salukuyang pinaghaha­nap ng mga aw­toridad da­hil sa pagta­ngay umano nito ng P2.5 mil­yong cash na dadalhin sa­na sa AFP­SLAI sa loob ng Kampo Simeon Ola.

Ang suspek na pinagha­hahanap ay si Jaime Bal­don, 65, may asawa, teller ng PNB-Legazpi Branch sa Barangay Baybay.

Sinasabing bigla na la­mang naglaho ang sus­pek dakong alas-10:00 ng uma­ga matapos na ipag­kati­wala dito ang cash na for delivery sa branch nito at nag­ka­kahalaga ng P2.4 milyon at sa AFPSLAI na nagka­ka­halaga naman ng P2.5 milyon. Gayunman, hindi nada­la ng suspek ang pera para sa sangay ng banko sa Albay.

Ayon sa inisyal na im­por­mas­yon, ang suspek ay sakay sa armored vehicle na may plate no. XTB-874 na mina­ma­neho ng gu­wardiyang si Edgar Mar­bella at escort na sina Dennis Perez at Romero Puyat.

Nang makarating ang armored van sa Rizal St. extension ay inutusan nito ang driver na itigil sa tabi ang sasakyan at kan­yang iha­hatid ang kanyang mga labahan na baro sa kan­yang labandera sa Baran­gay Pigcale. Pero hindi na ito bumalik at nagpakita mula noon. Ed Casulla

Show comments