3 Bombay naaksidente

MANILA, Philippines -  Kinarit ni kamatayan ang tatlong Bombay ha­bang apat pa ang grabeng nasu­gatan matapos aksi­denteng mag­bang­gaan ang sinasak­yan nilang Estrada pickup at isang pam­pa­saherong bus sa kahabaan ng national highway ng Barangay Mala­lam, Ilagan, Isabela kama­ka­lawa ng gabi.

Kinilala ni Police Regional Office ni Police Regional Office 2 Director Chief Supt. Roberto Da­mian ang mga nasawing Indian nationals na sina Kumas Sandeep, Sangeet Sharma at Joginder Singh. Bina­bag­tas ng Estrada pickup na minamaneho ni Sharma ang naturang lu­ gar nang maka­bang­gaan nito ang kasa­lubong na pam­­pasaherong Da­gupan bus. Joy Cantos

Show comments