CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Nagwakas ang modus operandi ng dalawang lalaki na sinasabing miyembro ng holdap gang makaraang mapatay sa pakikipagbarilan sa mga pulis sa Los Baños, Laguna kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang mga napatay na sina Nikki Santos ng Brgy. dela Paz at Rodel Labog ng Brgy. Poblacion, Biñan, Laguna
Sa ulat ni P/Supt. Ed De Leon, hepe ng Regional Mobile Group, lumilitaw na nakaposte sa checkpoint ang mga pulis sa highway sa Barangay Maahas nang parahin ang motorsiklo na lulan ang mga suspek bandang alas-3 ng madaling-araw.
Gayon pa man, hindi huminto ang motorsiklo kaya nagkaroon ng running gunbattle at napatay ang dala-wa sa harap ng Sta. Lucia Subdivision sa Sitio Libis, Barangay Lalakay.
Narekober mula sa mga suspek ang caliber 45 pistol, caliber 38 revolver, itim na bonnet, bugkos ng susi at ang ginamit na motorsiklo.
Pinaniniwalaang kaanib ang dalawa sa mga nakawan ng internet shop at mga bahay sa nabanggit na lugar. Arnell Ozaeta at Joy Cantos