^

Probinsiya

2 holdaper utas sa shootout

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Nagwakas ang modus operandi ng dalawang lalaki na sinasabing miyembro ng holdap gang makaraang mapatay sa pakikipagbarilan sa mga pulis sa Los Baños, Laguna kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga napatay na sina Nikki Santos ng Brgy. dela Paz at Rodel Labog ng Brgy. Poblacion, Biñan, Laguna

Sa ulat ni P/Supt. Ed De Leon, hepe ng Regional Mobile Group, lumilitaw na nakaposte sa checkpoint ang mga pulis sa highway sa Barangay Maahas nang parahin ang motorsiklo na lulan ang mga suspek bandang alas-3 ng madaling-araw.

Gayon pa man, hindi hu­minto ang motorsiklo kaya nagkaroon ng running gun­battle at napatay ang dala-wa sa harap ng Sta. Lucia Subdivision sa Sitio Libis, Barangay Lalakay.

Narekober mula sa mga suspek ang caliber 45     pistol, caliber 38 revolver, itim na bonnet, bugkos ng susi at ang ginamit na motorsiklo.

Pinaniniwalaang kaanib ang dalawa sa mga nakawan ng internet shop at mga bahay sa nabanggit na lugar. Arnell Ozaeta at Joy Cantos

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY LALAKAY

BARANGAY MAAHAS

BRGY

ED DE LEON

JOY CANTOS

LOS BA

LUCIA SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with