Domestic flight sa Zambales sinimulan
IBA, Zambales, Philippines — Sa kauna-unahang pagkakataon ay lumapag kamakalawa ang eroplano ng South Phoenix Airlines sa Iba airport, Zambales bilang pagsisimula ng domestic flight.
Bandang alas-2:30 ng hapon nang mag-landing ang 10-seater Queen Air 65 mula Maynila sakay ang walong pasahero at dalawang piloto na pinangunahan ni Capt Ramon Torres.
“Welcome to the province,” pagbati ni Governor Amor Deloso kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan at opisyales ng Southwest Airlines na sumaksi sa maiden flight.
“Kapag ganap nang nagsi mula ang ruta, ay tatlong beses kada araw o kaya tatlong araw kada linggo ang biyahe ng domestic flight sa bayan ng Iba patungong Manila Domestic Airport,” paliwanag ni Capt. Torres.
Gayon pa man, sinabi ni Torres na kailangan munang ayusin ang paliparan sa na banggit na bayan kung saan pahahabain ang runway nito hanggang 1,200 metro mula sa dating 800 metro.
Kailangan din patayuan ng control tower upang higit na maging ligtas ang domestic flight kung saan sinabi ni Gov. Deloso na tiyak na sisigla ng turismo sa Zambales. Randy Datu
- Latest
- Trending