Mag-ina dinedo ng senglot

BULACAN, Philippines — Hindi na nasilayan ng ina ang kan­yang isisilang na anak ma­karaang barilin ng shotgun ng kanyang ka-live-in na sinasabing senglot sa loob ng kanilang bahay ka­ha-pon sa Barangay San Pas­cual sa bayan ng Hago­noy, Bulacan.

Halos magkabutas-bu-tas ang katawan ni Jenna-lyn Del Pilar sa shotgun habang nakakulong at por­mal na kakasuhan ang suspek na si Menandro Pe­rez, 30.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt Albert Ocon, lumilitaw na senglot ang suspek nang dumating sa kanilang bahay at kinom­pronta ang biktima.

Napag-alamang napi­kon ang suspek sa isina- got ng kanyang ka-live-in kaya naganap ang pama­maslang.

Sumuko naman sa pu­lisya ang sus­pek ma­ta-   pos na mahimasmasan     sa pagkalango sa alak. (Boy Cruz)

Show comments