5 sugatan sa amok ng senglot

BATANGAS, Philippines – Limang miyembro ng pamilya kabilang na ang 6-taong gulang na lalaki ang nasugatan makaraang mamamaril ang nag-amok na senglot sa Barangay Buso-Buso sa bayan ng Laurel, Batangas kamakalawa ng gabi. Kabilang sa mga sugatan nasa St. Andrew Hospital at Laurel Disrict Hospital ay sina Lea Lubiano, 46; Violeta Lubiano, 54; Mark Andrew Lubiano, 12; Michael Lubiano, 6; at si Boni Carlo Lubiano, 9. Sa ulat ni P/Senior Supt. Alberto Supapo, Batangas police director, sumugod ang suspek na si Raffy Rodriguez sa harap ng bahay ng pamilyang Lubiano at pinalalabas si Leandro Lubiano na kanyang kainuman. Nang hindi lumabas ay niratrat ang bahay ng mga biktima saka tumakas. Arnell Ozaeta

Show comments