Mayoralty bet patay sa usok

MANILA, Philippines - Dahil sa makapal na usok mula sa sinigaang mga tuyong dahon at sanga ng punungkahoy ay namatay ang isang mayoralty bet sa bayan ng Sabtang, Batanes, ayon sa ulat kahapon. Kinilala ang nasawi na si Romulo Cielo, 54, ng Barangay Sinakan, Sabtang, Batanes.  Si Cielo na dating alkalde sa bayan ng Sabtang ay muling kumandidato sa mayoralty race sa Mayo 10 elections. Base sa ulat na naka­rating sa Camp Crame, natagpuan ang bangkay ni Cielo sa pag-aaring bukirin at pastulan ng mga alagang hayop sa Sitio Mauta, sa nabanggit na barangay. Lumilitaw sa ipinalabas na resulta ng awtopsya  ni Dr. Roel Charlie Nicolas ng provincial health office, na nasawi ang biktima sa asphyxia. Joy Cantos

Show comments