Lolo namatay sa hika, nabuhay

LUCENA CITY, Que­zon, Philippines Nagimbal ang mga residente ng Ba­rangay 10 sa Lucena City kama­kalawa matapos mag­balik sa daigdig ng mga buhay ang isang 60-anyos na matandang bi­nata na namatay dahil sa sakit na hika.

Sa salaysay ni Ange­lina Santos, pumanaw ang kanilang kapatid na si Rolando Luneta sa Que­zon Medical Center, ka­makalawa dahil sa kom­plikasyon sa hika.

Makaraan ang ilang minuto ay may dumating na pari at binindisyunan na ang mga labi ni Mang Lando kung saan kaagad na nagtungo sa punerarya si Angelina at ang pamang­kin na si Lorena Ravano upang isaayos ang gaga­wing burol sa matanda.

Gayon pa man nang bu­malik ang magtiyahin sa nabanggit na ospital ay nagulat sila nang makitang buhay si Mang Lando at pinagkakaguluhan ng mga doctor at nurse.

Sa salaysay ni Mang Lando, siya raw ay napa­palibutan ng kadiliman, naglalakad at nagha­hanap ng liwanag pero wala siyang makita.

Nang makakita ng liwa­nag ay tinunton niya ito at hinarang siya ng isang lalaking nakasuot ng pu­ting-puting damit at sina­bihan magbalik ka sa lupa.

Sa ngayon ay nasa kanilang tahanan si Mang Lando at patuloy na dina­dagsa ng mga kapitbahay na labis na nagtataka sa kan­yang pagkamatay at pagkabuhay. Tony San­doval

Show comments