Taiwanese timbog sa marijuana

MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng isang 39-anyos na Taiwanese makaraang maaresto ng pulisya na na­ ni­nigarilyo ng marijuana sa loob ng sasakyan sa Barangay Mabolo, Bacoor, Cavite no­ong Biyernes ng umaga.

Kinilala ni SPO2 Rodolfo Arboleda ang suspek na si Chi Yao Chen ng Lot 10, Block 19, Rosario, Cavite. Sa ulat ni SPO2 Arboleda, lulan ng Toyota Innova (ZEB 402) ang suspek at tatlong iba pa nang parahin sa inilatag na PNP checkpoint sa Mabolo junction.

Imbes na huminto ay pinaharurot pa ang sasakyan kaya napilitang habulin ng pulisya kung saan nasamsam ang ilang rolyo ng pinatuyong dahon ng marijuana. Ricky Tulipat

Show comments