^

Probinsiya

Jueteng balik-Batangas

-

TANAUAN CITY, Ba­tangas, Philippines - Patuloy na naman ang pamamayagpag ng jueteng sa lalawigan ng Batangas matapos maka­aresto ng ilang kubrador sa magkakahiwalay na ope­rasyon ng pulisya noong Huwebes ng umaga.

Pormal naman kina­suhan ni P/Senior Supt. Alberto Su­papo, Batangas police director ang mga suspek na kub­ra­dor na sina Mercelita Pe­rez,18, ng Barangay Pob­la­cion 7; Ar­cangel Torres, 46, ng TM Ka­law St. Poblacion 5; at Nazario Perez, 55, ng Ba­­rangay Sambat, Tana­uan City.

Narekober ng mga tau­han ng Anti-Illegal Gambling Task Force sa pangu­nguna ni P/Supt. Nilo Ma­itim, ng 21-pirasong STL lastillas, 3 booklets ng STL collection form, P589.00 cash collection at ilang jueteng para­pher­nalias.

Inaalam naman ng pu­lisya ang pagkikilanlan sa jueteng operator sa Ba­tan­gas subalit may kuma­kalat na balita na isang nag­nga­ngalang Prez Salud ang si­na­sabing may ope­ra­tor at financier ng jueteng sa bu­ong Ba­tangas.

Iginiit naman ni Batan­gas Governor Vilma San­tos-Recto na hindi nito pa­paya­gan ang pag-ooperate ng jueteng at inutusan ang ka­pulisan na dakpin ang mga lalabag lalo na ang mga guerilla operation. Arnell Ozaeta

ALBERTO SU

ANTI-ILLEGAL GAMBLING TASK FORCE

ARNELL OZAETA

BARANGAY POB

BATANGAS

GOVERNOR VILMA SAN

MERCELITA PE

NAZARIO PEREZ

NILO MA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with