BULACAN , Philippines —Rehas na bakal ang binagsakan ng pitong sibilyan makaraang maaresto ng pinagsanib na elemento ng PDEA Region 3 at lokal na pulisya sa isinagawang pagsalakay sa shabu tiangge sa Barangay Taal, Bocaue, Bulacan kamakalawa.
Kabilang sa kinasuhan ay sina Teddy Castillo, 34, ng Pag-asa St.; Melvin Cruz, 29, ng Brgy. Caingin; Gregorio Gallardo Jr., 39, ng Brgy. Sta. Clara, Sta. Maria; Wally Cruz, 31, ng Brgy. Caingin; Ronalad Ryan Agapito, 30, ng Brgy. Luasan Proper, Sa pang Palay, San Jose Del Monte City; Tomas Castillo, 54, ng Brgy. Taal; at si Edther Paloma, 28, ng Brgy. Caingin.
Sa ulat nina Ronald Allan Ricardo ng PDEA Region 2 at P/Supt. Ronald De Jesus, ang operasyon ay base sa inisyung search warrant ni Judge Renato Francisco ng Malolos City Regional Trial Court Branch 19 kung saan nakakumpiska ng P.256 milyong halaga ng shabu at isang baril. Boy Cruz at Dino Balabo