5 mangingisda nawala sa laot

MANILA, Philippines - Ikinasa na ng Philippine Red Cross ang search and rescue operation para sa limang mangingisda na nawawala simula pa noong Enero 26 sa karagatang sakop Pundakit, San Antonio Zambales.

Nabatid na pamu­mu­nuan ng Philippine Red Cross Disaster Response Tean sa pangunguna ni Albert Romanban ang SAR. Inihanda na rin ang rubber boats, life jackets, first aid kits, ring buoys o salbabida at rescue ropes na ga­gamitin sa ope­rasyon.

Nabatid na dakong alas-5:00 ng hapon noong Ene­ro 26 nang pumalaot ang mga ma­ngingisda mula sa Ca­pones island.  

Kinilala ang mga ma­ngingisdang sina Hilario V. Mendoza, Ronaldo Talas­tas, Artemio Monares Jr., Santiago Dulohan at Je­rome Dulohan. Ludy Bermudo

Show comments