5 mangingisda nawala sa laot
MANILA, Philippines - Ikinasa na ng Philippine Red Cross ang search and rescue operation para sa limang mangingisda na nawawala simula pa noong Enero 26 sa karagatang sakop Pundakit, San Antonio Zambales.
Nabatid na pamumunuan ng Philippine Red Cross Disaster Response Tean sa pangunguna ni Albert Romanban ang SAR. Inihanda na rin ang rubber boats, life jackets, first aid kits, ring buoys o salbabida at rescue ropes na gagamitin sa operasyon.
Nabatid na dakong alas-5:00 ng hapon noong Enero 26 nang pumalaot ang mga mangingisda mula sa Capones island.
Kinilala ang mga mangingisdang sina Hilario V. Mendoza, Ronaldo Talastas, Artemio Monares Jr., Santiago Dulohan at Jerome Dulohan. Ludy Bermudo
- Latest
- Trending