Motor sumalpok, 2 dedo

Cavite, Philippines — Patay ang isang 39 anyos na lalaki at ang angkas nitong babae nang sumalpok ang sina­sakyan nilang motorsiklo sa isang jeep kahapon ng madaling araw sa Emilio Aguinaldo Highway, Ba­rangay Zone 1-A Das­ma­riñas sa lala­ wigang ito.

Nakilala ang biktimang si Dario Fernandez, resi­dente ng Block 5, Lot 1, DBB habang kinikilala pa ang kasama nitong babae na namatay habang gina­gamot sa ospital.

Nadakip naman ng pu­lisya ang suspek na si Re­nato Macabuhay, 54, ng Hilaga Street, Barangka Drive, Mandaluyong.

Sa ulat ng pulisya, na­ganap ang insidente da­kong ala-1:45 ng madaling-araw.

Patungo ang mga bikti­ma sa Imus nang bigla ni­lang makasalubong ang jeep (DMH-918) ng sus­pek. Bigla na lang uma­nong sinakop ng mga bik­tima ang kalsadang bina­bagtas ng suspek kaya sumalpok ang mga biktima at humagis ng ilang metro. Pumalo pa ang ulo ni Fer­nandez sa semento na na­ging sanhi ng dagliang ka­matayan nito.

Patuloy pa rin ang gina­gawang imbestigasyon ng pulisya hinggil dito. Cris­tina Timbang

Show comments