Ari ni mister pinutol ni misis
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Nagwakas ang sinasabing pambabae ng isang 28-anyos na mister matapos putulin ni misis ang kanyang pagkalalaki kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Aparri sa lalawigan ng Cagayan.
Ayon sa ulat ng pulisya, nakilala ang biktima na si Sonny Ragonjan habang ang kanyang asawa na responsible sa pamumutol ay nakilala naman na si Lita Ragonjan na kapwa nakatira sa Barangay Centro 9.
Lumilitaw na bago isinagawa ng misis ang kanyang balak sa kan–yang mister ay sinasabing nagtalik pa ang mag-asawa.
Gayon pa man nang makatulog na nang mahimbing ang lalaki ay kumuha ng patalim ang misis at pinutol ang pagkalalaki ng kanyang asawa na nagulantang sa kirot na naramdaman. Ayon sa pulisya, matinding selos ang nagtulak sa misis para putulin ang ari ng kanyang mister matapos maghinala na may ibang kinahuhumalingang babae ang kanyang mister.
“It was probably due to extreme jealousy that led to the suspect’s chopping off her husband’s manhood,” pahayag ni P/Chief Inspector Cablarda, hepe ng PNP sa Aparri.
Ang biktima ay nasa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City.
- Latest
- Trending