MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang bagitong pulis sa patuloy na paghahasik ng karahasan ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) rogue elements sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kamakalawa.
Napuruhan sa tiyan at paa si PO1 Jason Lauban ng 15th Regional Public Safety Management Battalion. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, kasalukuyang nasa labas ng kaniyang tahanan ang biktima sa bisinidad ng Poblacion Dalican, Datu Odin Sinsuat bandang alas-4:30 ng hapon nang lapitan at pagbabarilin. Joy Cantos