Killer ng bokal nadakma

MANILA, Philippines - Kalaboso ang binagsakan ng isang rebeldeng New People’s Army (NPA) na isinasangkot sa pagpaslang sa isang miyembro ng sangguniang panlalawigan makaraang naaresto ng pulisya at militar sa inilatag na checkpoint sa Sitio Kawad, Barangay Sto. Domingo, sa bayan ng Sta. Rosa, Laguna kamakalawa ng gabi. Por­mal naman isinailalim sa tactical interrogation ang sus­pek na si Edwin Villarin, 31, na sinasabing gu­ma­ga­mit ng mga alyas na Ed, Lina at Dave. Si Villarin na mi­­yembero ng Special Operations Group PA rebs sa Laguna ay sinasabing sangkot sa pagpatay kay Bo­kal Danny Yang ng San Pablo City, Laguna at sa 2 ni­tong bodyguard noong Hunyo 24, 2009. Sangkot din ang suspek sa pamamaril sa checkpoint noong nakalipas na linggo na ikinasugat ng isang sundalo at 3 sibilyan sa bayan ng Alaminos, Laguna. Nakumpiska sa suspek ang isang cal. 45 MK4 pistola at granada. Joy Cantos

Show comments