^

Probinsiya

Plane crash: General, 8 pa todas

- Nina Malu Manar at Joy Cantos -

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Ka­matayan ang sumalu­bong sa walong sundalo kabilang ang isang heneral at isang sibilyan maka­raang bumagsak ang ero­plano ng Philippine Air Force sa residential area sa Cotabato City, kahapon ng tanghali.

Kinumpirma ni Major Gen. Anthony Alcantara, com­mander ng Army’s 6th Infantry Division na walang nakaligtas sa nasabing trahedya.

Lumilitaw na nagmula sa Davao City ang ero­plano at nag-stopover sa pali­paran ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao para ibaba si Col. Cris Tumanda ng Tactical Operations Group ng PAF sa Central Mindanao.

Gayon pa man, ban­dang alas-11:35 ng umaga nang mag-take off at dala­wang minuto pa lamang sa ere ay nagawa pang maka­radyo ng piloto at sinabing nagka-problema sa makina na kailangan itong mag-emergency landing.

Subalit bumagsak na ang eroplano sa bahagi ng Virgo Subdivision sa Rosary Heights 9, Cotabato City kung saan nasunog ang ba­hay nina Gapor Camlian, Shiela Gomiton at Rogelio Daet.

Sugatan naman ang dalawa-katao kabilang ang isang bombero na naunang rumesponde sa insidente.

Ilang residente ang na­walan ng ulirat at nabingi ma­tapos umalingawngaw ang nakatutulig na pag­sabog.

Kabilang sa nasawi na halos masunog ang buong katawan ay si Major Gen. Butch Lacson, hepe ng 3rd Air Division ng PAF na nakabase sa Zamboanga City.

Ang iba pa na nakilala lamang sa mga apelyidong sina Major Tacuboy, pilo­tong sina Captain Ordo­neo, co -pilot 1st Lt. Valdez, 1st Lt. Lepaet, Sgt. La­me­ra, Sgt. Me­jia at Sgt. Go­sum.

Samantala, kinumpirma ni P/Chief Supt. Felicisimo Khu, director for Administration ng Police Regional Office (PRO)12 na   nare­ko­ber ang bangkay ng sibilyang si Inday Mon­drano, 60,

Si Mondrano ay bisita ng isa sa tatlong bahay na na­sira matapos mabag­sakan ng elisi ng eroplano.

Ang abuhing Nomad aircraft ay pabalik na sana sa Edwin Andrews Air Base sa Zamboanga City nang ma­ganap ang trahedya.

Agad namang nagtungo sa crash site, ang mga ta­uhan ng pulisya upang tu­mulong sa ilang sundalo ng Philippine Army sa pag­ko­kordon sa lugar.

Patuloy pang inaalam ng mga imbestigador ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano.  

vuukle comment

AIR DIVISION

ANTHONY ALCANTARA

BUTCH LACSON

CAPTAIN ORDO

CENTRAL MINDANAO

COTABATO CITY

MAJOR GEN

SGT

SHY

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with