PAGs sa Masbate tututukan

MANILA, Philippines - Tututukan ng Armed Forces of The Phils. ang peace and order sa Mas­bate kung saan nagpapa­kalat ito ng 200 sundalo laban sa private armed group (PAGs) kaugnay sa May 10 elek­syon. Ito ang pahayag ng he­pe ng AFP-Public Affairs Office na si Lt. Col. Romeo Braw­ner Jr. kung saan da­lawang kumpanya ng mga sundalo ang ipinadala na sa Masbate upang tumu­long sa operasyon ng PNP kontra PAGs. Nabatid na ang ka­rag­da­gang 200 sundalo sa Masbate ay nagmula sa Army’s 9th Infantry Division na nakabase sa bayan ng Pili, Camarines Sur. Sa kabuuan, apat na kumpanya na ng sundalo ang nakatalaga sa Mas­bate para matiyak na ma­giging mapayapa at ma­ayos ang pagdaraos ng elek­syon. Nabatid na ang Mas­bate ay kabilang sa hot­spots na bukod sa pama­mayagpag ng PAGs ay matindi rin ang problema sa counter insurgency. Joy Cantos

Show comments