PAGs sa Masbate tututukan
MANILA, Philippines - Tututukan ng Armed Forces of The Phils. ang peace and order sa Masbate kung saan nagpapakalat ito ng 200 sundalo laban sa private armed group (PAGs) kaugnay sa May 10 eleksyon. Ito ang pahayag ng hepe ng AFP-Public Affairs Office na si Lt. Col. Romeo Brawner Jr. kung saan dalawang kumpanya ng mga sundalo ang ipinadala na sa Masbate upang tumulong sa operasyon ng PNP kontra PAGs. Nabatid na ang karagdagang 200 sundalo sa Masbate ay nagmula sa Army’s 9th Infantry Division na nakabase sa bayan ng Pili, Camarines Sur. Sa kabuuan, apat na kumpanya na ng sundalo ang nakatalaga sa Masbate para matiyak na magiging mapayapa at maayos ang pagdaraos ng eleksyon. Nabatid na ang Masbate ay kabilang sa hotspots na bukod sa pamamayagpag ng PAGs ay matindi rin ang problema sa counter insurgency. Joy Cantos
- Latest
- Trending