CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Dalawang bata ang iniulat na nasawi habang aabot naman sa 40-katao ang nasugatan makaraang bumaliktad at sumalpok sa punungkahoy ang pampasaherong bus sa kahabaan ng national highway sa Barangay Cumadaycaday sa bayan ng Del Gallego, Camarines Sur noong Martes ng madaling-araw.
Idineklarang patay sa Maria Eleazar Memorial Hospital sa Tagkawayan, Quezon ay sina Cheremi Ancheley, 1; at Guillermo Cabuguin, 3.
Kabilang naman sa mga nasugatan ay sina Rufo Corpin, 34, drayber ng bus; Almeria Biliran, 3; Jomarie Paderog, 5; Apolinario Herbacio, 69; Remedios Costigo, 69; Cheralyn Lacson, 39; Kim Joseph Placendo, 21; Cheradee Longa, 21.
Sa ulat ni PO4 Romulo Fabiano ng Camarines Sur Provincial Police Office, naganap ang trahedya sa kahabaan ng highway dakong ala-1:45 ng madaling-araw.
Bumabagtas sa lugar ang aircon bus na PP Line na may plakang TYR-966 na minamaneho ni Rufo mula sa Biliran patungong Metro Manila nang maganap ang sakuna.
Napag-alamang masyadong madulas ang kal sada kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang driver kung saan bumaliktad at sumalpok sa punungkahoy.